Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa.
Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman.
Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
love life sad pain thoughts depression you hope hurt heartbreak