Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Apr 20 · 1.2k
#002
"Umuukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim", sabi nila.

Kung ganon kabigat piliin ang pananahimik,
Bakit tila kasalanan pa ang magsalita?

Kung tunay na nagtagumpay ang ating mga bayani,
Bakit hanggang ngayon binabayaran pa rin natin ang ating paglaya?

Uukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim, ngunit papatayin ka ng hindi mo pagkilos.
pakikibaka kalayaan tagalog prose
Feb 5 · 5.8k
Sa Likod ng Pagpili
Mas ibig ko ang gabi kaysa araw.

Mas pipiliin kong pagmasdan ang langit habang dilim
At masilayan ang rilag ng buwan sa hubad nitong anyo.
Ikukubli ng makapal na hamog ang kalat na naipon matapos ang araw ng pagkahapos.
Hindi sisilip ang mga kuliglig sa silid kong masyadong malaki para maging mag-isa.

Dahil sa oras na bumangon ang araw sa paghimbing nito,
Lilitaw ang bawat sira sa minsang matayog na tahanan
Ilalantad ng liwanag ang tunay na hitsura ng sarili kong pagkasaid,
At ipaaalala ng umaga ang hapdi ng pagluha sa gabi.

Mas ibig ko ang gabi kaysa araw dahil kahit kalianman hindi ako binigo sa dala nitong pangako ng pahinga at pagtatapos.
Sep 2018 · 223
archive_01
Patricia Soriso Sep 2018
It was a tough time to beat. 19 seconds? It’s actually faster than getting hit by a car. Reeling lights are flashing and suddenly all of it makes sense. Every piece of thought dismantled and was put into its rightful place. There was no beginning and end, only Now. This is where Time rests and Truth is one with the stars. 19 seconds and everything shifted. Blink once, stand still, and look up. Tell me, what do you see?
Patricia Soriso Aug 2018
Binalikan ko ang silid aralan kung saan ko unang natutunan ang ABAKADA

Nakita ko ang parehong pisarang ginuhitan noon ng mga lobo at bola upang turuan akong bumilang.

Labindalawang taon ang lumipas nang huli kong nagamit ang silid aralan na iyon ngunit bitbit ko pa rin ang bagay na nagpakilala sa akin sa karilagan ng pagtatanong: Kaalaman.

Pinalago siya ng mga **** at sa bawat pahina ng libro niya piniling manirahan.

Dinala ko ito hanggang sa ang pagbabaybay ay naging pagsulat ng talata. Hanggang sa ang mga lobo at bola sa pisara’y naging mga numerong kailangan ko nang dagdagan, hatiin at bawasan.

Nagbago ang anyo ng Kaalaman. Dito ko napagtanto na hindi lamang siya naninirahan sa mga pahina ng libro, siya’y lumalagi sa karanasan ng taong iyong makakasalamuha, siya’y kalaro ng mga alaalang masyado pang mahalaga para kalimutan.

Ang Kaalaman ay hindi kailan man maikukulong sa isang silid o aklat. Siya’y patuloy na maglalagalag at mag-iiwan sa’yo ng mga bakas. Mga bakas na magdadala sa’yo sa landas ng Pananaliksik.

At hindi ito magiging madali. Hindi mo ito mahuhugis gamit ang ‘yong guniguni at kailangan **** lagpasan ang bawat balakid na nakalatag dito. Sa bawat pagliko ay sasalubungin ka ng tanong, dahil hindi nalang ito basta tungkol sa pagtatanong kundi sa kakayahan **** humanap at lumikha ng mga sagot.

Susuungin mo ang malawak na dagat ng impormasyon, kukupit ito ng pahanon sa iyong pahinga. Sasalubungin ka minsan ng araw nang hindi mo man lang nakapiling ang malambot **** kama.

At higit sa lahat, kailangan **** bagtasin ang bakod ng wika.

Sa Pananaliksik ako namulat sa napakaraming anyo ng kaalaman. Maraming nailimbag na pag-aaral tungkol at para sa kapwa ko Pilipino, ngunit nakadamit ang bawat salita sa anyong tila hindi nila madaling maunawaan.

At bilang ako, na patuloy at nagpapatuloy sa landas ng Pananaliksik, gampanin kong bagtasin ang bakod ng wika. Bilang Pilipino, aking responsibilidad ang itawid ang ating Wika sa mga ‘di mahamak na larangan tulad ng agham at matematika.

Ang landas ng Pananaliksik ay hindi madali ngunit paulit-ulit itong lalakbayin ng tao.

Dahil hindi ba’t ganito nakakamit ang tunay na anyo ng kaalaman? Sa pagkapit natin sa bagay na matagal na nating alam at sa walang katapusang pithaya na tumuklas?
Aug 2018 · 39.7k
Sa pagsuko ng bawat salita...
Patricia Soriso Aug 2018
Minsan kong ginamit ang mga salita bilang kalasag. Bilang pantakip sa kahinaan kong harapin ang katotohanan. Ginamit ko ito upang pagmukhain akong matapang at lumalaban na mandirigma.

Ngunit unti-unti itong nilusaw ng oras at buo akong nilamon ng lahat ng kasinungalingang ibinato ko sa ngalan ng pag-ibig. Lahat nang inilagan kong sakit ay ibinalik sa akin ng tadhana; nang triple at walang pagpipigil.

Kalaspatanganan ang tawagin itong isang tula. Kasalanan na itala ang kuwento natin bilang pagibig.

Luluha ang langit sa bawat pagkakataon na minahal kita kahit hindi ka karapatdapat. Ngingiti ang araw sa bawat salitang pinili kong pakinggan kahit inulan na ako ng pighati nang kausapin ako ng iyong mga mata.

Walang 'sing tamis ang bawat halik na pinadama mo sa pagitan ng mga panaginip. Ni hindi ko gustong dumilat. Sa pag-asang ang katotohanan ay ito at hindi ang iyong paglisan.
Jun 2018 · 13.2k
twelve am thoughts, unfiltered
Patricia Soriso Jun 2018
---

1. how long have i been awake?

2. my eyes are heavy from witnessing the same ****,

3. like i’m stuck in a cursed time loop of desolation,

4. but i’m more than scared to close them for i might stumble upon the ending of my unfinished dreams and decide to not open them anymore

5. how long have i been like this?

6. i hum a good song in my head to silence the thought of entirely giving up

7. hoping that a perfect rhythm and melody is enough to imprison the horrifying memories that’s been living in the corner of my mind for too long

8. i wish that i hold more words to tell my truth

9. and that my body is strong enough to handle its aftermath

10. i wish that i still have time to witness the sunrise

11. even if every time i breathe –

12. i feel myself fade away
Jun 2018 · 237
#001
Patricia Soriso Jun 2018
"Have I gained you or have I lost myself?"

She asked him.

Time answers with a discerning tone.

She lost both.
May 2018 · 340
haven
Patricia Soriso May 2018
i have built a room made of songs and unspoken words
struck by the moonlight, my secrets lay beneath the ocean waves - asleep and unafraid

the walls are painted with the lightest shade of blue,
for it reminds me how right and genuine love felt like.
the night sky is my ceiling and every star gleams for my welfare

with complete surrender, tears fell from my eyes one last time,
the word 'home' escaped from my mouth
and my heart finally took its rest
Apr 2018 · 540
untitled
Patricia Soriso Apr 2018
she never had the courage to speak
and all those years she walked in the same halls
feeling emptier everyday
Patricia Soriso Mar 2018
For a long period of time, we have been told to conform to the different standards set for us by the society. We grew up in a system where having milk colored skin and lean, slender bodies is the only acceptable image of beauty. Several advertisements and individuals will try to tell you what you need to buy or do to improve yourself, and I’m writing this letter to say that you are superb; a creation of purpose.

In a world where violence, fear and hate continue to exist, it is essential for us to unify and persist in eradicating the barriers that have been placed before us. Regardless of our differences - our backgrounds, religions, ethnicity, political views, jobs, academic standing, and flaws or perfections – we all want the same thing in life: respect, love and success. We all want to be seen and esteemed for who we are but we must also know that a women’s success doesn’t equalize with another’s failure. It is important that we work forward in life hand in hand, rather than to step on others just to rise above everyone else. Know that there is a time, place and an opportunity for all of us to accomplish our dreams. Know that you are able to think for yourself – despite of what the world keeps telling you. I believe that women like you and me are capable of creating history every day. I believe in the power of inseparability, that we could push the boundaries and open other people’s minds to a better discourse if we collectively act to make it happen.

As we celebrate International Women’s Month, I encourage you to find the good in the women around you. Let yourself be inspired by their experiences setbacks and victories. By doing this, we not only strengthen our respect for one another, but we open doors for others and ourselves.

This is letter is for all the women who’s looking for their place in this world. Whoever you may be – a student, a businesswoman, a coach, a lawyer, a janitor, a musician, a scientist, a military, a teacher, a traveler, a doctor, an athlete, a poet, or a transwoman – know that you are smart, beautiful, inspirational and strong.

Thank you for being yourself.

Sincerely,
Pat
Patricia Soriso Jun 2017
Isang beses hiniling ko na sana maging isang ibon
dahil gusto kong makita ang mundo mula sa himpapawid.
Noong nagbakasyon kami at nasilayan ko
kung paano naging mabugso at payapa ang dagat sa unang pagkakataon,
hiniling ko na maging kasing ganda ako nito.


Ngunit sa paglipas ng panahon,
Nawala ang mga ibon sa langit
Nanatiling galit ang mga alon
Labis na lungkot ang bumalot
Sa mukha ng batang minsang hiniling
Na maging kasing ganda ng dagat.
sakit at pag-iisa ang nasilayan nya
magmula ng marating nya ang himpapawid
at walang panahon na hindi nya gustong bumaba

Hiniling niyang mawala.
Hiniling niyang huminto ang lahat
Ang hangin, mga alon, ibon maging ang sakit.
Hiniling nyang tumigil ang sakit.
Ngunit wala sa mga hiling nya ang natupad.

Patuloy akong naghihintay.
Patuloy ako
Patuloy
May 2017 · 1.8k
Paalala
Patricia Soriso May 2017
Wala na.
Naghilom ka na.
Tapos na kayo.
Meron nga bang naging "tayo"?

Ulit ulitin mo ang mga salitang 'yan.
Alalahanin **** minsan ka nang nasaktan.
Sabihin mo ng paulit-ulit,
hanggang sa mapikon ka sa sarili mo.
Hanggang sa matauhan 'yang puso mo.

Pigilan **** matunaw,
sa tuwing lalapit siya sayo at
tititignan ka sa mata na para bang
hindi ka niya minsang pinaluha.

Pigilan **** mahulog,
sa mga salitang kasing bango
ng rosas na ibinigay niya sayo noon.
Natuto ka na.

Pigilan **** magtanong,
ng "Bakit ka biglang lumayo noon?"
sa tuwing maglalakad kayo ngayon ng magkasama.

Pigilan **** lumuha,
sa mga pagkakataong aawit siya
ng kantang kinasuklaman mo
noong iwan ka niya.

Pigilan **** bumigay,
sa tuwing nararamdaman mo muli
yung pag-ibig na minsan niya sayong inalay

Pigilan **** madurog sa harap niya
Pigilan **** magpakatanga ulit.
Pigilan mo.

Kasi pag nabigo ka,
para mo naring pinatay yung sarili mo
gamit ang iisang patalim.

Sa halip, kumapit ka sa kasalukuyan.
Yakapin mo yung bagong ikaw.
Panghawakan mo kung sino ka
pagkatapos **** gumuho,
pagkatapos ng matagal **** pagluha.
Hindi ka bumangon mula sa kawalan
para lang magpatihulog sa panibagong
bangin ng bigong pagmamahalan.

Walang naging kayo.
Naghilom ka na.
Wala na.
Patricia Soriso May 2017
Noong tinanong mo ako kung pwede nabang maging "tayo" ang "ikaw" at "ako", sinabi **** hindi mo ako isusungkit ng buwan at mga bituin. Sinabi **** hindi ito magiging madali dahil pareho tayong tila nangangapa sa dilim. Sinabi **** hindi sa lahat ng oras sasalubungin tayo ng araw na masaya. Sinabi **** iiwasan **** mangako dahil hindi mo ako kayang makitang bigo. Sinabi **** walang nakakaalam kung saan hahantong ang lahat ng 'to, pero sinabi mo 'rin na saan man tayo mapunta sulit dahil ako ang kasama mo.  Inilatag mo ang mga bagay na ito na para bang ayaw **** humarap sa laban ng hindi handa. Wala kang ipinangakong habambuhay. Kaya tinugon kita ng ganito:

Mahal, huwag kang mabahala dahil wala akong balak angkinin ang buwan at mga bituin. Dahil tanaw ko ang buong kalawakan sa iyong mga mata.

Hindi madaling mangapa sa dilim kaya naman hahawakan ko ng mahigpit ang iyong kamay at sabay tayong mawawala.

Alam **** bago kita makilala, maka-ilang beses na akong inabutan ng araw na lumuluha. Kaya naman kung salubungin rin tayo ng ngitngit ng isang malamig na umaga, aalayan kita ng almusal at iyayapos ka sa aking mga braso. Gagamutin ko ang mga sugat ng kahapon at ibubulong ko sayo na Patawad at Mahal Kita hanggang sa ngumiti ka at yakapin mo ako pabalik.

Ang makita akong bigo ang siyang hindi mo gusto at maniwala ka, ganoon rin ako sayo. Ngunit mali ang palaging maging tama. Bilog ang mundo at handa akong matikman ang hirap ng pagkabigo dahil akay natin ang isa't-isa at palagi tayong babangon.

Hindi ko rin alam kung saan ito hahantong. Mas madalas ba tayong magiging masaya o lamang yung hirap at pagluha? Hanggang saan tayo dadalhin ng pagmamahal? Ang daming mga nakapilang tanong sa isipan ko pero lahat 'yon naisantabi ng katotohanang Mahal Kita at Mahal Mo Ako. At sino ako para mabahala habang nasa akin ka, ang pinakamalakas kong sandata?

Inalok mo sa akin ang iyong kamay upang sumama sa laban ng pag-ibig at buong puso ko itong tinaggap. Kaya naman gawin mo akong kalasag. Mamahalin kita ng walang pinipiling araw. Magdurugo ako para sa'yo. Magwagi man tayo o mabigo, wala akong pagsisisihan. Ipagmamalaki ko sa mundo ang sugat na dala ng pagmamahal ko sayo. Dahil ang masaktahan habang umiibig ay hindi kahangalan kung hindi katapangan.  Hindi man natin abutin ang "habambuhay", masaya akong uuwi sa'yo at magkasama nating haharapin ang katapusan.


(ps)
May 2017 · 2.0k
baka-sakali
Patricia Soriso May 2017
Baka sa dilim, doon tayo magkatagpo.
Baka sa huli, maari na tayong magsimula.
Baka sa ulan, doon natin mahanap ang saya.

Magbabakasakali ako na sa pagluha ng langit
Masilayan ko muli ang iyong ngiti.
Magbabakasakali ako na meron pang susunod
At hindi ito “hanggang dito nalang”

Nagbabakasakali ako na sa tamang panahon,
Maituloy natin ang storyang nagtapos nang hindi pa man nagsisimula.

Dahil baka sa susunod na pahina,
Kakampi na natin ang tadhana.
Hindi na tayo hihiram ng oras
Hindi na ako tatakbo palayo
At hindi mo na kailangang maghintay.

Sana sa susunod na pag-ikot ng mundo,
Wala ng luha ang tumulo
Sa tuwing susugal akong mahalin ka.

Sana kahit tumila na ang ulan,
Hanapin mo parin ang yakap ko.

Sana kahit tapos na yung kanta,
Mahimbing ka parin sa mga salita ko.

Sana sa susunod na kumpas ng relo,
landas nati'y muling magkatagpo.
Biglaan.
Totoo.


(p.s)

— The End —