Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hilig at Hiling Sinong mag-aakalang pareho tayo ng nakahiligan? Sa pagbabasa sa larangan ng katatakutan? At hindi ko inakalang ang aking gawa ay iyong magugustuhan, Hanggang iba't ibang kababalaghan na ang aking nasubukan. Mahigit isang taon na ba mula nang tayo ay magkakilala? Mahigit isang taon na ba mula nang hilig natin ay sadyang kakaiba? Mahigit isang taon na bang ikaw ay isa kong tagahanga? Mahigit isang taon na ba mula nang gawin kitang bida sa aking istorya? Sa mga antolohiyang aking ginawa, Sa iyo ko inihabilin ang mga aklat na iyong nabasa. Paka-ingatan mo dahil iyon lamang ang aking pamana, Makalimot man ako, sana ang mga gawa ko ay iyong ipaalala. Kung sakaling darating na ang wakas ng ating pagkikita, Ako ay nalulugod pagkat ikaw ay aking nakilala. Hiling ko sana na huwag **** kalimutan ang aking paalala, Na kapag ako ay nawalan ng memorya, alam mo na ang bagay na sa akin ay magpapa-alala.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:10 PM UTC
Hilig at Hiling

Written by
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:10 PM UTC
Request permission to use this poem