Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa unan ng gabi, lihim kong ibinulong, Ang sigaw ng damdaming ayaw magpatulong. Sa bawat pag-idlip, luha’y tinatago, Itutulog ko na lang, ‘wag mo nang tanongin kung ano. May agos ng init sa malamig na hininga, Na pilit tinatakpan ng katahimikan nga. Pikit ko’y panangga sa tanong ng mundo, Kung bakit sa panaginip lang ako totoo. Ang lungkot ay lihim, sa ngiti itinahi, Habang puso’y bitin sa ‘di mo masabi. At kung bukas, gisingin man ako ng araw, Baka tulog pa rin itong pusong sawang mangarap ng ikaw.
0
Apr 12, 2025
Apr 12, 2025 at 11:00 AM UTC
"Pahinga sa Dilim"

galacticgrooves_69
Written by
Apr 12, 2025
Apr 12, 2025 at 11:00 AM UTC
Request permission to use this poem