Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Saksi ang mga mata sa pagmamahalan sa itaas, hinahalikan ng kadiliman ang kalangitan, kung saan naipasa na rin ito sa aking kaulapan. Niyayakap ng saplot ang kalupaan, at naaakit ang mga mata sa kaputikan. Dahil dito pinipilit ang katauhan mamalagi sa kapaligirang punong-puno ng kagandahan. Tinuturukan ang utak ng mga kulay na galing sa kaitiman, habang nagsusuot ng saya. Saya na hindi makatotohanan, saya na pampalipas oras lamang. Nauumay, isinusuko na ng katawan, isinusuka na rin ng katanyagan. Ang ninamnam na pagbabalatkayo at ang pagiging bulag sa kasalukuyan. Parang inaararong lupa ang tinatapakan, may maipagmamalaki ba ang pagtakbo? Nagising na ang diwa, ang kamalayan, Ano kaya ang kinakailangan kong gawin? Ibinulalas ang tikas ng pangangatawan, at ang pamamaraan na taglay ng kaisipan, para sana ay makaraos sa nararanasan. Pero parang kulang, paano ko ito malalagpasan? Ah! Oo nga pala! Bakit puro ako? Kung mayroon namang siya, sila, kami, at tayo? Paano ako makakatahi kung nasa iisang butas lang ako at hindi umuusad? Kung gusto kong gumawa ng damit, kinakailangan ko ang mga butas para sa aking sinulid. Sama-sama hanggang sa makabuo ng isa. Isa't-isang humuhulma ng pag-asa. Hanggang sila'y nagsiilawan at lumutang paitaas, tangay-tangay ako hanggang sa paunti-unting bumubukas ang kalangitan, binabaha ng liwanag hanggang sa ako'y natalsikan. Lumiwanag, kasama ko na sila, iisa na kami. Patungo sa umusbong na daan sa kaliwanagan. Kung saan, wala ng ako, siya, sila, kami at tayo. Wala na, wala na, magpakailanman.
0
Nov 20, 2024
Nov 20, 2024 at 12:23 AM UTC
Paglalakbay

Written by
Nov 20, 2024
Nov 20, 2024 at 12:23 AM UTC
Request permission to use this poem