Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ikaw ba ay bigo sa pagibig? Tipong lahat ay nadaan lang sa kilig? Kahit sinong gusto ay 'di ka hilig? Pagkabigong sa umpisa'y nagsimula sa titig? ----------------------------------------------------------------- 'Wag kang mag-alala. Dahil hindi ka nag-iisa. Madami kayong nagdurusa. Mga sawi na parehas na pinaasa. ----------------------------------------------------------------- Kumalma ka, pag-isipang mabuti. Sa tingin mo kaya'y bakit ka nasawi? Maling pagkakataon, pagtugon ng madali? Pag-abante't pag-atras, nagpaka martir sa hapdi? ----------------------------------------------------------------- Kung ika'y bigo ay 'wag **** dibdibin. Sa ngayon, maraming bagay ang dapat isipin. Ang tunay na pag-ibig ay 'di madaling hanapin. Nasa puso't kaluluwa, ang magmahal na nasa saloobin.
0
May 30, 2018
May 30, 2018 at 5:25 AM UTC
Pag-ibig nga naman.

RuiJasper
Written by
May 30, 2018
May 30, 2018 at 5:25 AM UTC
Request permission to use this poem