Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hahayaan na lang ba na balewalain ang aking pagsinta? Hahayaan na lang ba na ako ay tuluyang madapa? Paulit-ulit mo man akong saktan Hindi ko pa kaya na ako ay lumisan Kung ako ay sadyang hindi na mahal Kung sadyang hindi mo kayang samahan Sana ay sabihin mo sa akin ng harapan Upang masaktan man ay mula sa iyo ang katotohanan Kahit madalas ay ipakita mo ang tunay na nadarama Kahit madalas ay nararamdaman kong ayaw mo na Kahit madalas na alam kong napipilitan ka na Pinipilit kong huwag bumitiw sa iyo, sinta Hindi ako bibitiw hangga’t hindi mo sabihing tama na Hindi ako titigil hangga’t hindi mo sabihing ayaw mo na Kung nais mo ay huwag na ako makita Sabihin mo lang sinta, ako ay aalis na
0
Sep 30, 2016
Sep 30, 2016 at 1:10 AM UTC
Huwag Ipilit

August 31, 2016
pairedcastle
Written by
Sep 30, 2016
Sep 30, 2016 at 1:10 AM UTC
Request permission to use this poem