Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Siguro nga'y tayo lamang ang mga tao sa mundo, at ang mga ilaw sa daan ay disenyo lamang ng mga 'di nakikitang kamay, ang matamis na boses na nanggagaling sa kahon ay likha lamang ng ating mga isip, at ang mga katanungang pumupuno sa katahimikan ay guniguni na dulot ng magdamag. Ang puwang ba na pumapagitna ay tulay o dingding? Ang dilim ba'y bunga ng gabi o dahil pareho tayong nakapikit? Malabo ang lansangan sa likod ng salamin ngunit ngayon, sa bulang ito, lahat ay malinaw, totoo.
0
Dec 24, 2019
Dec 24, 2019 at 4:04 AM UTC
Salamangka

127 / 1223 / 1228 / 101 / 111 / 112
roannemanio
Written by
Dec 24, 2019
Dec 24, 2019 at 4:04 AM UTC
Request permission to use this poem