Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mga ala-alang iginuhit ng nakaraan, mga bagay na nabura ngunit bakas ang marka. Mga oras na lumipas na katulad ng bula, usok at ulap - agad pinapawi ng matulin na sandali. Sa maraming minsan na nag-daan, sa maraming tagpo - kuwento ng mga kahapon, minsan lamang dumating ang pag-kakataon. At kung ang hiling ay inabot na sa piling, huwag ng palampasin, Pagkat minsan - mabait, madamot o matampuhin ang tadhana. Alalahanin na kailan ma'y di maaaring mapaki-usapan ang panahon na ulitin o madalaw ang lumipas na kahapon.
0
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 2:18 PM UTC
Upos ng Kahapon

jon-jubail-b-aquino
Written by
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 2:18 PM UTC
Request permission to use this poem