Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
heto nanaman ako, iniisip ka, sinta. heto nanaman ako, nagpapakatanga iniisip kung bakit hindi maaring maging tayo iniisip kung hanggang kailan ako masasaktan, hanggang kailan ko mararamdaman ang makapinsalang tatak ng pagiging isang matalik na kaibigan (lamang). sabihin mo nga sa akin, sinta: ilang luha pa ba ang aking ia-alay ilang malulumbay na kanta pa ba ang aking pakikinggan ilang tula pa ba ang aking isusulat bago kita makalimutan nang tuluyan bago kita mahalin sa paraan ng pagmamahal nila sa isang kaibigan bago kita tuluyang mapakawalan? heto nanaman ako, sinta: iniisip ka nagpapakatanga at naghihintay na iyong sabihin, "biro lang, sinta."
0
Sep 9, 2017
Sep 9, 2017 at 10:38 AM UTC
sinta

Written by
Sep 9, 2017
Sep 9, 2017 at 10:38 AM UTC
Request permission to use this poem