Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang kape ay buhay
 ipinantawid-gutom
 kasabay, kaunabay 
ng unang subo ng kanin,
 sa murà kong isipan -
 nilililok ng maalagang haplos
 ng katam ng mga pangaral
 at talim ng pait ng nakadaupang
 mga dospordos ng karanasan, 
bawat lagok ay nagbigay
 ng iba ibang kulay,
 ng alay

 Alak ng paglimot ay tinagay
 ng kapitbahay
 na maingay 
sigaw ng inipong luha’y
 kakambal,
 ngunit ang kape
 - sa Pilipino'y sawsawan ng tinapay na inaasam: paimpit ang napilayang pag-usal
 sa binging patron ng pandesal
 taimtim ang piping dasal
: “bigyan mo po kami
ng aming kanin
 miski walang ulam
 basta may kape
, pero mas maigi na rin po
 pag may bulanglang” "salamat po sa kape ngay'ong kami'y buhay at sa burol kung kami'y mamatay na kalul'wa'y pasal, tirik ang namumuting mata Inaykupu Nanay!!!"
0
May 1, 2018
May 1, 2018 at 3:26 AM UTC
Kapeng Barako VII
Ang kape ay buhay
 ipinantawid-gutom
 kasabay, kaunabay 
ng unang subo ng kanin,
 sa murà kong isipan -
 nilililok ng maalagang haplos
 ng katam ng mga pangaral
 at talim ng pait ng nakadaupang
 mga dospordos ng karanasan, 
bawat lagok ay nagbigay
 ng iba ibang kulay,
 ng alay

 Alak ng paglimot ay tinagay
 ng kapitbahay
 na maingay 
sigaw ng inipong luha’y
 kakambal,
 ngunit ang kape
 - sa Pilipino'y sawsawan ng tinapay na inaasam: paimpit ang napilayang pag-usal
 sa binging patron ng pandesal
 taimtim ang piping dasal
: “bigyan mo po kami
ng aming kanin
 miski walang ulam
 basta may kape
, pero mas maigi na rin po
 pag may bulanglang” "salamat po sa kape ngay'ong kami'y buhay at sa burol kung kami'y mamatay na kalul'wa'y pasal, tirik ang namumuting mata Inaykupu Nanay!!!"
Part of my childhood memories in my old barrio (village) in Marauoy, Lipa City, Batangas, Philippines
JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
May 1, 2018
May 1, 2018 at 3:26 AM UTC
Request permission to use this poem