Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nauubos na ang batang namamangha Sa mga mahikang angkin ay pambihira Tuldok ang sukli sa isip na puno ng katha At pinako ang tingin sa mundong mapanira Wala na ang ligalig sa puso at isip At ang mga bituin ay di na sinisilip Nangadilim ang paligid sa bawat kong pag-ihip Sa apoy na waring ang ningas ay pinipilit Ang pag pakli ng panahon ay isinusumpa At ang bawat pahina'y lumalalim ang salita Hanggang kailan kaya guguhit ang paksa Nang panulat kong nauubusan na ng tinta
0
Jun 18, 2022
Jun 18, 2022 at 2:03 PM UTC
Tinta

pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Jun 18, 2022
Jun 18, 2022 at 2:03 PM UTC
Request permission to use this poem