Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
[Para kay Emerson David V. Jacinto, February 16, 1962 - May 02, 2011) Mula paglilihi sa ningas ng ilawang gasera sa sulok ng angking dunong, kaisipa’y namunga, hanggang sa pagluwal, kasaliw ang palakpak ng sigla, ulilang panaghoy at sigaw ng malayong pag-asa - sa panawaga’t tinig ng Inang Bayan, tumugon ka. Kusang-loob, inihandog, buhay at panahon Walang alinlangan, payak na pamumuhay ay tugon Sa lamig ng gabing kamao’y nagkuyom Kumot mo’y pusong malasakit ang nilikom - Unan ay konsyensyang malinis at tapat sa layon. Mapait na dagta ang sa damdami’y nanalaytay tila ipinahid ng mahabang paghihintay sa mayamang dibdib ng ating kinagisnang Inay - ang Inang Kalikasan. Doon ka humimlay, - Makabuluhang buhay ang iyong tagumpay
0
May 2, 2019
May 2, 2019 at 8:18 AM UTC
Pagsibol (Para sa Ala-ala ni Emer Jacinto)

JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
May 2, 2019
May 2, 2019 at 8:18 AM UTC
Request permission to use this poem