Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Huwag mo ng dagdagan ang bigat At baka hindi ko na mabuhat Mga sinasabi mo'y salungat Sa mga nakasulat sa aklat... Ano ba talaga ang layunin Walang tigil kung ako'y inisin Nakakalito kung iisipin Wag selos ang iyong pairalin... At bakit ka nga ba nagagalit Ano ba ang iyong hinanakit Dahil ba sa hindi mo napilit Ang pagmamahal mo sa may sabit... Pagkatao mo'y nakakatakot Ang kaisipan mo ay baluktot Kahit sino ay napapaikot Sa daldal ng dila **** kulikot... Ano ang gusto **** patunayan? Na ikaw ay angat sa lipunan Ang anino mo'y may kayabangan Ngunit natatakot sa harapan... Ano man ang gawin kung pag-iwas Di niya ako pinapalampas Sa mga kwento na walang basbas Sinisira ang isipang wagas... Sa katotohana'y sumasabay Upang pagbabago'y maging tunay Ayoko na ng magulong buhay Tumigil ka at magnilay nilay...
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:05 PM UTC
SABIT

Naztriv
Written by
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:05 PM UTC
Request permission to use this poem