Kung sasabihin kong iniibig kita,
Paniniwalaan mo ba kaya?
Kung nakikita mo lang ang sarili mo sa aking mga mata,
Malalaman mo kung gaano ka kahalaga.
Sabi mo, masyado nang mabigat ang mundo.
Na ang bawat halaga ay laging may kapalit.
Ngunit sa tula ko, ikaw ang aking mahal,
Walang bilang, walang dulo, walang higit.
Kaya huwag mo nang tignan ang dumi sa salamin.
O ang mga sugat na pinipilit mo na itago sa akin.
Sa pagitan ng gabi at ng bawat panalangin,
Ikaw ang bituing hindi kailanman magmamaliw.