Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nag-aanyaya ang kinagisnang duyan, sa puso'y kumakatok: halika, kita'y ipagsasalok kapeng barako, ika'y lumag’ok kung kulang ang 'sang tasa'y mayroon namang mangkok - Sa Lumang Lipa, ang pakilasa’y pakiramdam at hindi tam’is kagaya ng pagsasamahan o pait na dulot ng kasawian. Inaapuhap sa aparador na pinagtaguan ang malukong na tagayan ng nagkaribok na kabataan; mula sa sulok ng balintataw, nilililok, aking natatanaw ang mga imahen, hindi mga anghel, nagbabalibol ang kaibigan kong tagapagtanggol, habang sa kabilang koponan nanlilibak ang kalaban - ako ang bolang pinagpasa-pasahan binugbog ng mga kahon ng lipunan kahit alin doon, walang pinagkasyahan mga kahong nagtatakda ng katangian:      ang tao ay dapat ganito,      ang kilos ay dapat ganoon      ang suot ay dapat ganyan           ang maganda ay ganito ang kulay           ang makisig ay ganoon ang taglay           ang tindig ay hindi malambot na gulay: “kahon, kahon, kahon, magkasya sa kahon kapag nagkataon lagot ka sa **** wari’y multong takot lumingon ang nagtulug-tulugang kahapon sa ngayo’y gising na kampon - pinalaya ng kupas na maong Sisinsay na laang ako doon at sa huntahan ay tutugon kung saan nahapon ang labuyong hindi kailanman inilaban sa sabong panalo ka pa rin at karamay, kapeng gawa sa gal’pong      barako sa isip      matam’is sa puso      at sa lalamunan ko      ikaw ang kasuyo.
0
Jan 10, 2018
Jan 10, 2018 at 8:51 AM UTC
Kapeng Barako V (Mga ala-ala sa Lumang Lipa)

To be translated as "Brewed Coffee V (My Memories of Dear Old Lipa)"
JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
Jan 10, 2018
Jan 10, 2018 at 8:51 AM UTC
Request permission to use this poem