Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Umurong man ang aking dila ng ako ay nilikha, Bukas naman ang aking mga mata sa inyong pangungutya. Pangungutyang hindi kailanman ay kaaya-aya, Bagkus ay naging tinik sa aking araw-araw na pag-asa. Pag-asang milagro na lamang ang hinihintay, Pag-asang masabi ko rin ang bawat letrang nakahimlay, Pag-asang maibibigkas ang katagang sa dugo ko ay nananalaytay, At pag-asang, ika'y naririyan upang sa akin ay umalalay. Aalalay at maging tagapagsalita sa aking harapan. Isasatinig ang aking naisulat na mga banghay-aralin. Upang malamang nila ang aking mga saloobin, Saloobing tatatak sa puso at isipan ng bawat mamamayan natin.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:16 PM UTC
Pipi

Written by
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:16 PM UTC
Request permission to use this poem