Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Tulad ng pagkahumaling ng mga mata ko sa iyo Paano ko ba mabibigyang tuon ang sineng pinapanuod Kung ang atensiyon ko ay nasa Iyo? Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Kagaya ng mga paa kong walang kapaguran Aanhin ko ang destinasyon o pupuntahan Kung sigurado namang masaya dahil Ikaw ay nandiyan? Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Kapareho ng mga kilig at tuwa sa aking damdamin O kay hirap namang ubusin ang pagkain na nasa hapag Kung sa mga ngiti mo lang ay busog na ang tiyan Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Dahil natutong makuntento ang pusong ito Walang sinabi ang inaalok ng mundo Sa kagandahang taglay mo
0
May 15, 2025
May 15, 2025 at 8:00 PM UTC
Awit ni Solomon

nngella
Written by
32/M/Philippines
May 15, 2025
May 15, 2025 at 8:00 PM UTC
Request permission to use this poem