Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Dahil sa binitawang mga salita Ako’y nakadama ng kakaibang pangamba Animo’y demonyo sa akin ay sumapi Nakahanap ako ng mapanganib na kakampi Kaya binawi agad nang ako’y kilabutan Subalit nanatili nang ako’y nasaktan Kahit kinontra ay wala paring nagawa Dahil sa pinaghalong negatibong nadama Lumipas mga taon ay ‘di parin mapakali Ginamit ang sumpa upang manakot at mangwaksi Sa pag-aakalang may taglay na kapangyarihan Iniugnay dito mga trahedya sa sanlibutan Kaya pinagbintangang kampon ni Satanas At ninais na aking buhay ay magwakas! -11/13/2014 (Dumarao) *My Cursed Poems Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:19 PM UTC
Bunga ng Sumpa

My Poem No. 277
JoRaLG
Written by
32/Other/Philippines
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:19 PM UTC
Request permission to use this poem