Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ipikit mo ang iyong mga mata, Bulagin mo ang sarili sa katotohanan Ipikit mo’t huwag imulat. Nang di masaksihan mapanghusga nilang mga mata. Takpan mo ang iyong tainga, Huwag pakinggan ang ingay na gugulo sa iyong isipan. Takpan mo’t huwag hayaang marinig. Mga akusang kay bangis. Pigilan mo ang iyong mga labi, Bumitaw ng maling salita. Pigilan mo’t huwag hahayaang magsalita. Nakikinig sila, hindi mo lang alam. Itago mo ang tunay na damdamin, Bago pa man puso’y pairalin. Itago mo’t huwag hahayaang maghari. Gamitin ang isip wala nang iba pa. Magpanggap ka na lang. Manahimik ka na lang. Huwag **** papansinin. Marahil ito’y matatapos rin.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:20 AM UTC
Matatapos rin ...

matabang-utak-ni-ong
Written by
30/M/Pilipinas
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:20 AM UTC
Request permission to use this poem