Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
UMAGA (Morning) “I won’t talk, I won’t breathe. I won’t move ‘till you finally see that you belong with me..” Nag-alarm ang cellphone ko, at oras na ng pag-gising ko. Oo, tama ka. Ang paboritong kanta ni Paulo ang tunog ng alarm ko. Sa pagdilat ko, nakita ko nanaman ang Araw na kasisikat pa lamang. “Paulo” ayan nanaman ang unang salitang nasabi ko, ang unang bagay at tao na laman ng isipan ko. Naisip ko, ako rin kaya ang naiisip niya bago siya matulog? Ako rin kaya ang unang nasa isip niya sa kanyang paggising? Umaga nanaman, panibagong araw na haharapin. Bagong pagkakataon, bagong aabangan, at bagong mga pangyayari. Ang tanong ay simple lang naman, Magkikita kaya kami? Mabibigyan kaya kami ng pagkakataon ngayon? Ang kahapon ay nakalipas na, sabi nga, pero magmimistulang kahapon pa rin ba ang araw ko ngaun? Naghikab ako, sabay bangon. Sa pagbangon ko, tumingin akong muli sa bintana nakita ko na kumpleto ang kulay na bumubuo sa paligid. Berde, asul, dilaw, pula, puti, itim, brown, lahat na ng kulay! Ang ganda ng mundo ng mga tao, ang ganda ng umagang sumalubong. Pero nawala ang ngiti sa mga labi ko, at kung may nakakita man sa akin mababakas sa aking mga mata ang lungkot, pananabik at pangungulila ng malayo kay Paulo. Gaano man kaganda ang paligid ko, hindi pa rin kumpleto ang MUNDO KO ng wala si Paulo. Muli, napabuntong hininga ako kasabay ng pagpigil ko sa aking mga luha na nag-aadyang sila ay muling papatak. Ayoko munang umiyak hanggat maaga, marami pa naman mangyayari. Mamaya nalang ulit kapag andiyan na ulit si Gabi, ganoon ulit ang eksena, at ganoon naman lagi. Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto, lumabas na ako, at sa pagsara ko ng pinto nagtanong ako ulit: “Nasaan si Paulo?”
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 8:43 PM UTC
Nasaan si Paulo? (Part II)

Written by
30/F
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 8:43 PM UTC
Request permission to use this poem