Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Gawin mo'kong pang-apat sa 'yong mga prayoridad; sarili, pamilya at pangarap. Huwag kang mag-alala, hindi ako makikipag-agawan ng puwesto sa mga bagay na nararapat **** unahin, bagkus ay susuportahan kita at kung dumating man yung araw na kailangan mo munang lumayo upang abutin ang iyong mga pangarap—ihahatid kita. Hihintayin kita. Naniniwala akong may tamang oras na nakalaan para sa'tin ang mundo kung kaya't hindi na muna ipipilit ang mga bagay na hindi pa napapanahon. Darating din tayo dun. Kapag tama na ang panahon. Kapag sumang-ayon na ang pagkakataon.
0
May 23, 2023
May 23, 2023 at 8:47 AM UTC
Untitled

kurtlopez
Written by
30/M/Rosario Cavite
May 23, 2023
May 23, 2023 at 8:47 AM UTC
Request permission to use this poem