Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Akala ko noon, sapat na ang mahalin, Na kapag totoo ka, 'di ka sasaktan. Ngunit natutunan kong kahit gaano kabuo, May pusong pipili pa ring lumayo. Pinili kitang mahalin sa bawat araw, Sa bawat paghinga, ikaw ang dahilan. Ngunit kahit anong pilit kong hawakan, Ang isang pusong sawa, 'di na mapipigilan. Akala ko ang “tayo” ay pangmatagalan, Na kaya nating lagpasan ang bawat sugat at lamat. Pero hindi pala laging sapat ang dasal, Kung ikaw mismo, ay ayaw nang lumaban sa ating pagmamahalan. Ang sakit, hindi lang sa pagkawala mo, Kundi sa tanong na: “Saan ba ako nagkulang sa’yo?” Ginawa ko ang lahat, pati sarili'y kinalimutan, Pero sa dulo, ako pa rin ang iniwang luhaan. Walang perpektong pag-ibig—oo nga, totoo. Pero sana, hindi ko nalang inialay lahat sa’yo. Sana natutong magtira kahit kaunti, Para may natira sa sarili kong muli kong buuin. Ngayon alam ko na, Ang tunay na trahedya ay hindi ang pag-iisa, Kundi ang manatiling umiibig Sa isang taong kayang mabuhay na wala ka.
0
Apr 12, 2025
Apr 12, 2025 at 4:23 AM UTC
WALANG PERPEKTONG PAGIBIG

galacticgrooves_69
Written by
Apr 12, 2025
Apr 12, 2025 at 4:23 AM UTC
Request permission to use this poem