Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Para sa Pusong Iniwan : A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz Umuulan na naman pala Basa na naman ang kalsada Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom, Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat ang malungkot na gabi Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya Bumubuhos kasama ng mga luha Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan. Umaga na naman pala Buti nalang nagising ng maaga Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible Heto na naman, panibagong araw Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan Hindi pa rin matanaw ang liwanag Tinangay mo kasi Sinama mo sa pag-alis Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam Tanghali na pala Oras na ng kain. At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain At tulad ng dati, tumatanggi pa rin Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain Dun sa dati, sa paborito natin Tanghalian na pala Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo” Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako Natutuwa ako na kasama kita Natutuwa ako na kausap kita Natutuwa ako kasi akin ka Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin Natutuwa ako kasi magkasama tayo Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita. Matagal na rin pala. At hindi na tulad ng dati Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo Ginawa kasi kitang mundo ko Mahirap. Masakit. At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin Mahirap. Masakit. Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal. Ikaw yung nang-iwan Ikaw yung sumuko Ikaw yung bumitaw At matagal na rin pala Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo. Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako Matagal na rin pala Mahirap pa rin. Masakit pa rin. Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na. Para sarili ko naman yung palayain ko Hindi naman siguro kailangang pilitin Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan Sisimulan ko na…..                makalimot. Pero teka… Umuulan na naman pala. Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala Maaalala na naman kita.
0
Aug 25, 2018
Aug 25, 2018 at 12:49 PM UTC
Para sa Pusong Iniwan

I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
ciel_bleu
Written by
25/F/Not-so-wonderland
Aug 25, 2018
Aug 25, 2018 at 12:49 PM UTC
Request permission to use this poem