Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Natisod na ang hangal na nagmamarunong Sa sariling salita siya'y nakulong Anopat nahulog sa sariling patibong Sa bibig ang mga wika'y bumubulong At ayon na nga! winasak ang sedang nagkukubli Sa kasamaan lumangoy ng walang pag-aatubili! Nagpakalumos sa apoy na sumusidhi At nilimot ang sumpang minimithi Mga kamay tuluyang dinungisan Sa mismong bagay na kinamumuhian At na'ng bahagyang isip ay nahimasmasan Hinahanap ang karit ni kamatayan Mga palad sa mukha'y pinangtakip At mga matay mailap na sumisilip Sa husga na taglay ng kanyang dungis Tiyak na kutya ay di magmimintis
0
Oct 23, 2025
Oct 23, 2025 at 6:54 PM UTC
Makasalanan

-JGA
pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Oct 23, 2025
Oct 23, 2025 at 6:54 PM UTC
Request permission to use this poem