Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan. Sa ihip ng hangin at patak ng ulan. Sa pagdaan ng taon. At sa bawat paglagas ng dahon. Pangalan mo ang baon. Sa pag-agos ng luha at sa paghikbi, Sa pagsibol ng mangilan-ngilang ngiti. Pauli-ulit na tatanawin, Mga ala-ala mo na kumikinang kasama ng mga bituin. Ikaw ang hiling. Ikaw ang tinatangi. Ikaw ang minimithi. Ikaw ang sinta. Ikaw ang payapa. Ikaw ang pag-ibig. Ikaw ang dalanging nawa'y marinig. Ngayon at sa paglipas ng panahon. Pangalan mo ang sambit ng puso sa bawat alon.
0
Mar 30, 2025
Mar 30, 2025 at 6:10 AM UTC
Hinahanap-hanap kita

Hahanap-hanapin ka sa kalawakan.
cellelulu_ite
Written by
28/F/Philippines
Mar 30, 2025
Mar 30, 2025 at 6:10 AM UTC
Request permission to use this poem