Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Milyun-milyong mga blankong mukha, pipintahan, papahiran ng pintora ang iba’t ibang kastilyo ng pangarap. Subalit sa paglipas ng panahon ang mga kastilyong ito’y rurupok, at sa isang ihip ng hangin ay pwede ‘tong gibain. Masasanay kang matalo, para sa atin ‘tong mundo. Para sa atin, hindi para sa kanila, kailanman hindi ‘to masasakop ng mga mapapait na luha. Nasanay ka na sa panonood ng mga teleserye o pelikulang kung ano ang theme song ay ‘yon din ang pamagat. Nasanay ka nang mag-abang sa paiba-ibang kulay na buhok ni Vice Ganda, o ni Yeng Constantino, ang umasa rin sa paiba-ibang desisyon ng mga tao sa paligid mo. Nasanay ka nang magmahal ang gasolina, at iba pang mga bilihin ngunit hindi ang magmahal ng totoo, dahil takot kang masaktan ulit, ang iwanan, o umasa ulit, sa isang relasyong pang-post lang sa FB, IG o Twitter, ‘yong pang-“#relationshipgoals” lang, nasanay ka na pero takot ka pa rin. Nasanay ka na sa mga surprise quiz. Sa exams. Sa reporting. Sa thesis. Sa Singko, INC, Withdraw o Drop. Sa pag-jaywalking, dahil late na naman sa 7:30 AM class. Sa paulit-ulit na sorry. Sa paulit-ulit ding pagpapatawad. Sa paghahanap ng ka-red string. Sa paghahanap ng ka-forever. Sa mabagal na internet. Sa job interview. Sa gobyerno. Masasanay ka ring matalo dahil ganito ang konsepto ng mundo. Patitikman ka muna ng pagkabigo, bago ka ulit maging buo. Baka rin bukas-makalawa maiisipan mo nang mag-aral ng mabuti at iwasang ang usapang mabote, ang bumangon ng maaga at hindi papatayin ang naka-set na alarm, ang maging totoo sa taong nagmamahal sa ‘yo, o kaya subukang ipa-Photoshop ang 2x2 picture mo sa resume para sa paparating na job interview. Masasanay ka ring matalo, masasanay ka rin sa mga peklat mo sa puso. Dahil hindi ito matatapalan ng pulga-pulgadang concealer ng Maybelline, o kahit ubusin mo pa ang stock sa AVON, sa Watson, sa HBC, o sa Lazada. Kaya tanggapin mo na lang na ang buhay ay puno ng pagkatalo, dahil sa huli para sa atin din naman ang mundo, kaya wala kang dahilan para sumuko, dahil ang sumusuko lang ang natatalo, at ang hindi takot sumubok ulit ang tunay na panalo.
0
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 8:03 PM UTC
Masasanay Kang Matalo, Para Sa Atin Itong Mundo

jkpoetry
Written by
M/Filipino
Sep 6, 2016
Sep 6, 2016 at 8:03 PM UTC
Request permission to use this poem