Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ito ang kahulugan ng pangalan mo, Ikaw ang liwanag sa madaling araw, Ang unang kislap na pumupunit sa dilim. Ikaw ang simula ng umagang kay ganda, Na nagkukubli sa haba ng gabi, Habang umaawit ang magdamag. Sumalungat ang hangin sa sikat ng araw Kaya’t patuloy kang nagniningning. Tiyak na naiinggit ang mga bituin Sapagkat higit kang marikit kung ihahambing. Ang buong maghapon ay tila isang panaginip. Saan ba nanggagaling ang iyong ningning? Nagmula ka pa sa kabilang kalawakan sakay ng bulalakaw, Tila ganyan ang iyong pagdating. Sige lang patuloy kang magningning Nang magliwanag ang buhay na madilim.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 7:21 PM UTC
ANG LIWANAG SA MADALING ARAW

Written by
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 7:21 PM UTC
Request permission to use this poem