Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
matiyaga kang pinapasan ng mamang nangumpisal sa salamin, umami't umako ng karnal na pagkakamali. habang ang karamiha'y mga miron sa silong ng tirik na araw, namamanata sa ritwal ng pag-ulit, pagpako't pagpapasakit sa huling Adan na nabayubay. upang ang kapirasong kahoy ay maging kahulugan, upang ang kahuluga'y maging ehemplo. templo at tiyempo ng mga himno ng mga epokrito't espasyo ng hunghang na pagsamba. ang balikat ay hudyong Kristo, ang kamay ay romano. paano kaya kung ang idolo ng impostor ay sa silya elektrika hinatulan, papasanin din kaya ito ng walang alinlangan?
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:17 AM UTC
Krus

jose-remillan
Written by
May 19, 2017
May 19, 2017 at 11:17 AM UTC
Request permission to use this poem