Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hayun ang duyan ng paulit-ulit na ikot ng mga salot Pumapaimbulog sa tatsulok na moog; Hinubog ng gilingang kasaysayan Bayan ng kabalintunaan. Matagal nang yumao ang ating mga anak Nariyan parin ang mga tabak at alingawngaw ng Balintawak; Kanlungan ng mga supremong baguntao Sumisigaw ng pagbabago habang iwinawasiwas Ang watawat ng mga ismo —komunismo, sosyalismo Sa rebolusyon ng mga sikmura at makina. Hayun ang duyan ng nagpapatuloy na kasaysayan Patuloy na kumakanlong sa nakaraan; Sa mga dayuhang minsang yumurak at nagwasak Sa kultura at kakayahan. Kalimutan natin ang pangakong paraiso Ang tinatangkilik ng bawat tao, Ang kasakiman ng lumang simoy Halika, umahon tayo sa kumunoy Mga minamahal ito ang kapiraso kong entablado: Walang ibang daan kundi tayo
0
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 12:42 PM UTC
Siklo

This poem was first published in the literary folio of the University of Makati, the BAHANDI, 2005
jose-remillan
Written by
Sep 17, 2013
Sep 17, 2013 at 12:42 PM UTC
Request permission to use this poem