Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hahabi ng mga bagong tugma para sa bagong libro Sa mga bagong pahina nito,may pag-ibig na kayang mabubuo? O mga kasawian na naman ang tanging isusulat ko? Kalungkutan na naman ba ang uubos sa tinta ng aking pluma? O sa malinis nitong papel,may pag-ibig nang magmamarka? Maisulat ko kaya ang kuwentong inaasam At sa matayog **** isipan,magawa ko itong ipaalam? Posible kayang mapansin mo ang iaalay kong regalo Kahit na ba di mo pa alam ang pangalan ko? Wala naman kasi akong balak na magpakilala sa iyo! Kahit madalas man tayong magkatagpo— Magkakasya nalang sa mga nakaw na tingin Sa mga simpleng sulyap na ginagawa ng palihim Patuloy akong magmamasid mula sa malayo— Malayo sa iyong tabi, Pagtatagpi-tagpiin ang mga tugmang kapares ng iyong ngiti Hindi ako lalapit at patuloy lang na magkukubli, Pagkat alam kong kapag ika'y nakaramdam— Wala akong magagawa kundi humulmang muli ng paalam.
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:11 PM UTC
"Unang Tula para sa Bagong Inspirasyon"

ChameleonInk
Written by
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:11 PM UTC
Request permission to use this poem