Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hanggang sa pangarap nalang ba kita aabutin? Kahit sa pagtanda ko'y mas lalong hindi na kita kayang akyatin. Hanggang sa mga huling hininga ko'y patuloy parin kitang papangarapin, na sana; sana'y masilayan ka man lang bago ang mundong ito'y lisanin. At 'sabay ng pagpikit ng aking dalawang mata'y babaunin kita hanggang sa aking huling hantungan. Upang maiparamdam sa'yo na minsan; minsa'y may isang babaeng nangarap na akyatin ka hanggang sa kanyang kamatayan. Ang pangarap ko'y kay hirap abutin.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:54 AM UTC
*Pangarap*

moon-2
Written by
Philippines
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 3:54 AM UTC
Request permission to use this poem