Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kay tagal kitang pinagmasdan, Habang ika'y nahihimbing sa kawalan, Pagkahalong emosyon at pagkabahala, Sa aking puso't isip ay hindi nawawala. Araw-araw 'kong kay Bathala'y dumadalangin, Sa puso **** sana'y hindi tangayin ng hangin. Nangangarap ang mga mata, Pag-ibig mo sana'y sa akin 'di malanta. Irog kong kay tamis, Pumapawi ng aking hinagpis. Magkasamang maghapon, Bawat saya ay aking iniipon. Mula noon hanggang ngayon, Ika'y iniibig saan man pumaroon. Sino man ang makasalubong, Saiyo pa rin nais humantong.
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 5:59 AM UTC
Tiwala

Written by
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 5:59 AM UTC
Request permission to use this poem