Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin Sa tuwing tayo ay magkasama Anong saya aking nadarama Di ko maipaliwanag Sadyang aking mundo’y lumiliwanag Ibubulong ko na lamang sa hangin Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin Aking mahal, sana ay ikaw na nga Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal Ikaw lamang ang aking minamahal At ikaw lamang ang aking mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta At wala nang iba pa Hindi man kita kasama araw man o gabi Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko Ikaw lamang ang aking gustong makatabi At sa iyo lamang umiikot aking mundo Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan Ito ang iyong pakatatandaan Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan Singdami nang mga tala ang mga taon Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli Sana ay pagbigyan ng panahon Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi Ikaw lamang ang aking mahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking minamahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking mahal Ang aking minamahal At aking pipiliing mamahalin Sana ay ako rin
0
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:30 PM UTC
Aking mahal, minamahal at mamahalin (2-11-21)

eindeinnemoon
Written by
25/F/Philippines
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:30 PM UTC
Request permission to use this poem