Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
kung sakali man malihis ng landas, lingunin nawa ako ng pagmamahal. kung sakali mang mapagod sa kakalakad, tangayin nawa ako ng hanging payapa patungo sa bisig na mapagkalinga. kung sakali mang hapuin at maubusan na ng hininga, dugtungan nawa ako ng buhay na kung saan ang kamatayan ay hindi kinikilala. nang matapos lamang ang laban na wala akong laban. walang salitang naririnig, walang hikbi, walang palag. wala. dahil walang handang makinig kapag sarado ang isip.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 7:30 AM UTC
Kahit ngayon lang

khat_R
Written by
34/F/Philippines
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 7:30 AM UTC
Request permission to use this poem