Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Bangkay na hindi maibaon, 'di pagtakhang walang pagkausad ngayon; Kung ang sarili'y hindi maiahon-- sa lungkot na dala ng kahapon. Pait sa likod ng bawat ngiti, 'di pagtakhang lungkot pa ri'y 'di maikubli. Pagsisisi'y inabot na ng pagkamuhi sa sarili'y pinagkait ang kaligayang pinili. Dumadaloy sa kaibuturan ang bawat sakit 'di pagtakhang sarili'y nilalatayan ng paulit-ulit. Iginumon sa pagkapighati't pait ng kahapong ibinabalik ng pilit. Kumawala't sumubok hulihin ang kaligayahang ipinatangay sa hangin.
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 3:07 AM UTC
Larawan

al-lorgentina-dy
Written by
Gender Fluid
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 3:07 AM UTC
Request permission to use this poem