Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Minsan isang araw tayo’y magkikita Mga ngiti’y mamamalas - sa pananabik ay lunas Mga mata’y mangungusap na tila ba nangangarap Tangan ang isang hiling - Pag-ibig yaring hanap. Minsan isang araw tayo’y mag-uusap Ihahayag ng puso - natatanging pagsuyo Ibubulong sa hangin - aanurin sa baybayin Paglingap at hangarin walang sawang sasambitin. Minsan isang araw ika’y mayayakap Ikukulong sa ‘king bisig, tila kalong ng ulap Nanamnamin ang sandaling walang kasing sarap Aangkinin ang ligayang wri’y abot alapaap. Minsan isang araw ika’y mahahagkan Kasabay ang damdaming pagsinta kailan pa man Mga labi’y magniniig habang dinig yaring himig Walang humpay itong minsan ‘pagka’t ika’y iniibig.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:39 AM UTC
"Minsan Isang Araw"

dalampasigan08
Written by
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:39 AM UTC
Request permission to use this poem