Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka Kung ano man ang nais na hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na magpakatanga sa lahat, Ng pagkakatao'y aking gagawin Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa Handa naman akong maghintay sa isang tabi Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas Para bang ako'y tinamaan ni kupido Ang puso ko ay lagi ng ganado Isipin man na ako ay nambobola Isipin man lahat ng 'to sa umpisa Isipin man na agad mabalewala Isipin man na maloko sa salita Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo Laging nakatitig sa maganda **** mga mata Lahat ng pagod ay agad na nawawala May mga bagay na madalas kuntento na Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa Patawad kung madalas ako'y madikit sayo Patawad kung masyado akong makulit sayo Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako Salamat kahit wala kang ginagawa, Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain Nagdadalawang isip ka pa ba? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:18 AM UTC
Mahal. Kita.

RuiJasper
Written by
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:18 AM UTC
Request permission to use this poem