Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang awitin ng mga armas, ang katahimikan ng kampana, ang tinig ng mga bala, ang kawalan ng himno ng misa. Balikan mo ang kwento ng nayon, bilhin mo ang bawat minuto at oras, mag-baliktanaw sa kahapon at ngayon nang ‘di ma-balewala ang bukas at wakas. Ang himig ng mga nagliliparang pana, bulong ng mga dasal at adhikain, ang ungol ng mga sundalong sugatan, bitbit ko sa aking kasal sa kanluranin. Balikan mo ang kwento ng nayon, bilhin mo ang bawat minuto at oras, mag-baliktanaw sa kahapon at ngayon nang ‘di ma-balewala ang bukas at wakas.
0
Oct 6, 2024
Oct 6, 2024 at 2:37 AM UTC
Baler 1898

"Baler" series, part four
ang_lakambini
Written by
Oct 6, 2024
Oct 6, 2024 at 2:37 AM UTC
Request permission to use this poem