Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Waring alabok na dinuyan ng hangin Pagdakay naparam na balintataw sa paningin Ang patak ng kabuluhan sa ganang akin Tila sa sayaw ng mundo nakikipag piging Hindi nga akma sa daigdig na mapaniil Ang musmos na anyo na nasisiil Ngunit kung mag mukmok di papipigil Ang Sanlibutang nangangalit at nanggigigil At sa sinomang bumigkas noo ay mangongonot Waring tiwala'y lubusan nang pinagdadamot Sa pag bihis ng panahong umiiksi ang kumot Hangal namang patuloy na namamaluktot Kung may mga susunod pang pagkakataon Nais ay suwail naman ang ganap na yaon Pagal na sa maginoong landas paroon Paumanhin sa himutok ng batang gising sa ngayon. -JGA
0
Aug 11, 2021
Aug 11, 2021 at 11:27 AM UTC
Alabok

Ang batang bersyon na puno ng himutok.
pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Aug 11, 2021
Aug 11, 2021 at 11:27 AM UTC
Request permission to use this poem