Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Di ako umiiyak sa away o sigawan. Umiiyak ako sa labis na katahimikan. Sa mga panahong kailangan ko ng kasama Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na. Mga kumukuliglig na huni at bulong. Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong. Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan. Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan. Bumibilis na tibok ng puso, Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo Mga hiningang hinahabol ang takbo, Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto. At unti-unti Hihimasin ang isip Mula labas palalim sa loob Unti-unti Pipigain ang puso Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na. Hahalungkatin ang nakaraan, Nang dumilim ang kasalukuyan. Babasagin ang kasalukuyan, Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan. "Huwag kang mag-isip." Ang abiso nila. Ngunit diba nila naisip Na tila ka na ring sinabihan na: "Huwag kang huminga kung ayaw mo na." "Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka." "Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka." Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya." Oo, ayaw ko na. Lahat kinatatamaran pati paghinga. Bawat gabing inilaan sa iyak. Tila ang isip, pinipilit na mabiyak. Oo, nahihirapan na. Di maiwasang tumingin sa mga mata Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento. Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na mga anino. Oo, nasasaktan na. Mula sakit, gusto ko nang kumawala Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal. Oo, di ko na kaya. Sana nga tumigil na. Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na. Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak. Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak. Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama. Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na. Ito. Ganito. Ganito kahirap, ganito kasakit. Ganito kasimple ang isang atake.
0
Apr 29, 2018
Apr 29, 2018 at 8:24 AM UTC
Atake

siomaisilog
Written by
21/Pangender/PH
Apr 29, 2018
Apr 29, 2018 at 8:24 AM UTC
Request permission to use this poem