Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa dilim ng aking pag-iisa Halos gumuho na ang pag-asa Hinuhusgahan at kinukutya Tinatawanan at minumura Mga salitang lason ang dala Sa pagkakamaling naging sumpa Na kumakain sa pang-unawa At kaisipan na nagwawala Nanlalamig ang puso't gunita Hindi maibigkas ang salita Sino nga ba ang maniniwala Sa sinasabi at ginagawa Sa dami ng mga kumokontra Na sa pagkatao'y sumisira Mga pagkakamaling nagawa Ipinipilit ko na itama Ngunit kinukulang ng unawa Ang damdamin nilang natutuwa Ilaban ma'y walang magagawa Mali pa rin ang ginawang tama Lumalalim ang sugat na dala Lumalatim ang sinasalita Pinipilit nito na magiba Ang natitirang paniniwala Gabay ng pananampalataya Ang nagpapatibay na gumawa Upang pagkakamali'y itama At maging ganap ang nakatakda Ang pagsibol ng bagong simula Umpisa ng isang kabanata ...
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:20 PM UTC
UNANG KABANATA

Naztriv
Written by
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 10:20 PM UTC
Request permission to use this poem