Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Para sa atin ang gabing ito. Gaya ng iyong pangako, tayo Ay didito't papalaot upang Salungatin ang daluyong ng Ating mga damdamin. Saglit Nating iwan ang parolang Magdidikta kung saan dapat Ang nararapat na hangganan Ng pagsagwan natin sa maalon At malaon nang karagatang ito. Saglit Nating ibaba ang layag at laya ng Ating pag-ibig; ikubli ang panganib Na nakaamba sa bawat paghampas ng Tubig, sa bawat pagkabig ng dibdib, at Sa bawat pag-igpaw natin sa hatol ng Panahon. Saan man tayo ipadpad ng Lunday na lundayan natin sa gabing Ito, walang pagaalinlangang sundan Natin ang bituing magtuturo Patungo  sa ating mga sarili...
0
Sep 26, 2013
Sep 26, 2013 at 10:36 AM UTC
Layag

Para kay Khiwai. Quezon City, Philippines September 26, 2013
jose-remillan
Written by
Sep 26, 2013
Sep 26, 2013 at 10:36 AM UTC
Request permission to use this poem