Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Tila namanhid na ang babahaang landas walang patid ang agos ng luha, habang walang habas ang malupit na lilik-panggamas - patuloy ang tila nag-aamok na pagwasiwas. Kahit mura pa ang uhay ng nagbubuntis na palay Namúti na ang katiwala ng mga bunso't panganay: Walang sinanto ang pakay ng aninong sumalakay. Sinimot pati ipa. Ang imbakang burnay tuyung-tuyô, tila balóng patáy. Ubos na ang mga ninuno sa Purok Ang mga inanak at inapo, tila mga but-o ng kapok nangalat na sa malalayong pook Hindi na tumalab ang mga erihiyang tampok Ang lamping ibinalot, balót na ng usok. Ang binalot na kapirasong pusod, bakas na lamang ng balok. Karipas na ang binatilyong habol ang mutyang pailaya. May baon pang pagkain, pagsasaluhan pag nagkita Ngunit mabilis na napawi ang tanawing kasiya-siya Ang natapong lomi, natabunan na ng aspalto’t palitada kasama ng mga bakas nina Utoy at mga kabarkada sa ilang dekadang araw-araw na pagbagtas, nakasipit at gura mula sa Baryo Balintawak hanggang Lumang Baraka sa Lipa - Di na makilala. Wangis ay mistisong pilipit. Ay! Pilpinas pala!
0
Sep 21, 2024
Sep 21, 2024 at 7:41 AM UTC
Panahong Karipas

The original version was the 17th poem in my series "Kapeng Barako" - Kapeng Barako is brewed coffee in Lipa, Batangas, Philippines, often of the 'liberica" variety and roasted traditionally in large metal vats. The series includes poems that focus mostly on my memories of Lipa, the place of my birth, childhood and teenage years. This year, I reviewed those of my poems that mention or discuss history. While the original poem actually refers to the forgotten massacres and related events during the latter part of the Japanese occupation (World War II), I came to realize that the events of the Martial Law years seem to have been forgotten also by our people, especially with the recent attempts at historical revisionism. Change is indeed inevitable. However, forgetting the past and/or revising history, will eventually prove quite costly for a country or people, culturally and in many other ways.
JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
Sep 21, 2024
Sep 21, 2024 at 7:41 AM UTC
Request permission to use this poem