Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

HINDI NA DAPAT IPAGSIGAWAN PA

Oo. Totoo.

Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako,na aakyat pa sa rurok ng bundok

para isigaw ang pangalan ko,at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi,

sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig

mula sa mapang-akit **** mga labi.

 

Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao,dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo,

hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon.Hindi.

 

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako

na sa lahat ng date na ating mapuntahan

ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo,

o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawalanang pagiging pribado ng ating relasyon,sapat na sa akin nang itago mo ang mga litratong ‘yan,at titigan pauli-ulit

kapag miss na natin ang isat-isa.

 

Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba,

hindi ko sila papatulan,hindi ko sila papansinin,

hindi kita minahal nang mahabang panahon

para saktan lang, wala akong pake sa kanila,

ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita,

at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo,dahil mahal kita.Mahal na mahal,

hindi mo kailangang ma-insecure.Hindi.

 

Lahat ng bagay, ay aking gagawin,

dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang

namumutawi sa aking bibig,hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon,pagkatapos ay itatago sa kahon,

at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon,

mamahalin kita kahit sa ano mang panahon:

tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak.Mahal kita.Mahal na mahal,

at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita”

sa mahal lang kita,kukunin ko ang mga agiw sa iyong mga lumang gunita,pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa.

 

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,

sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili

sa ‘yong presensya at pagkandili,sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit binabayo,mga pagkukulang na pilit pinupunan,

at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap

ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan.

 

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,

pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak,

nang mabatid mo ang mga nakasulat,

nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:

ililibot kita, sa aking nakaraan,sa aking ngayon

at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw.

Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso,

dito matatagpuan ang pag-ibig

na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw.

 

Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako,

hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo,nakaukit rin ang pangalan ko,at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako.Mahal mo ako. Mahal na mahal.Sana Nga'y mahal mo pa ako! Mahal mo talaga ako.

Request permission to use this poem
P
Written by
Princeallival132923
27 / Transgender / Manila
Published
Mar 8, 2021
Lines·Words
43·485
Permission

Request to use this poem

Tell Princeallival132923 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write