Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Duwag ka pero salamat Salamat dahil hindi mo ako pinabayaang mahulog sa isang panandaliang saya Hindi mo ko hinayaang mahulog sa isang kathang isip lang Sa mga matatamis na salita na hanggang kwento lamang Sa mga makahulugang tingin na hanggang sulyap lamang Sa mga masasayang pag-uusap na hanggang alaala na lamang Mga salita, tingin at kwentuhan na hindi kayang ipadama ng mga yakap at haplos Dahil duwag ka Dahil nandyan ka at nandito ako Magkalayo tayong dalawa Pinagdugtong lang ng isang pisong tumatawid sa libo-libong distansyang mahirap sundan Dahil hindi natin kayang tawirin dahil duwag ka at ako Oo, duwag din ako Duwag ako katulad mo Nakakahilo ang pagitan natin Duwag tayong dalawang pumaroon sa espayong walang kasiguraduhan Pero napakatapang nating hinarap ang katotohanang nakakabit sa atin ang mga balakid Na nandyan ka at nandito ako Malayong-malayo Itong paang nagpipigil sa ating lumutang sa ligayang hatid ng mapangahas na damdamin Hatid ng masarap na pantasyang hawak ko ang mga pisngi mo o na malaya kong natititigan ang kislap ng mga mata mo Lagi tayong nakamulat at hindi kayang pumikit nang matagalan Dahil duwag ka at duwag ako Duwag ka dahil hindi ka lumaban para sa atin At duwag ako dahil hindi kita i-pinaglaban.
0
Feb 19, 2020
Feb 19, 2020 at 9:39 PM UTC
Duwag

napalitan ang mga paru-paro sa sikmura ng mga daga sa dibdib.
kahel
Written by
Feb 19, 2020
Feb 19, 2020 at 9:39 PM UTC
Request permission to use this poem