Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kung sakaling pagbibigyan, Ako ba'y iyong hahagkan At hinding-hindi bibitiwan Hanggang sa pagtila ng ulan? Kung sakaling may pagkakataon, Ang pag-ibig mo ba'y ipababaon Tuwing lumalakad sa ambon At pati narin sa habang panahon? Kung sakaling itatadhana Ng Makapangyarihang May-likha, Ikaw ba'y hindi mag-aalintana Na ako'y habangbuhay makasama? At kung sakaling tayo'y hahadlangan, Ako ba'y hinding-hindi mo iiwan, Sasamahan mo ba ako sa digmaan Upang tadhana'y ating labanan?
0
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 8:45 AM UTC
Kung Sakali

Written by
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 8:45 AM UTC
Request permission to use this poem