Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mula sa pamilya ng mga dukha Binhi nina Santiago at Catalina Itong bayani na tunay na pangmasa Dahil sa kahirapan, nagtrabaho ng kung anu-ano Nagtinda ng mga baston at mga abaniko Naging ahenteng naglalako at matiising bodegero ‘Di akalaing ang lakas ng mga bisig Maaaring sandata sa mga manlulupig Ni Andres na pangalan palang ay kaykisig Subalit ‘di umasa sa lakas ng katawan Pinatalas niya ring kusa sariling isipan Inaral ang siyensiya at sining ng digmaan Mga kababayan ay tinipon niya Upang sa mga dayuhan lumusob, makibaka Anak ng Tondo, Ama ng Katipunan – iyon siya! --11/30/2014 (Dumarao) *Bonifacio Day & Start of the Year of the Poor in Philippine Church Calendar
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:23 PM UTC
Bayani ng mga Dukha

My Poem No. 284
JoRaLG
Written by
32/Other/Philippines
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:23 PM UTC
Request permission to use this poem