Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Marami ang natutuwa, Ang iba nama'y naluluha. Mayroon namang naiinis pa, At nagbibitaw ng maaanghang na salita. Masisisi mo ba sila? Amoy na amoy ang bulok na sistema. Yaman ng bayan, saan napunta? Aling daan ba ang susundin nila? Nasaan ang pangakong maka-masa? Gagalawin pa ang pera ng iba. Pangulong hindi makasarili, Ilaw ng bansang hindi mapupundi, Layuning hindi naisasantabi, Iniintindi bawat hinaing ng nakararami. Presidenteng may katuturan ang sinasabi, Ipinagtatanggol ang mga naapi, Nagsusumikap na bansa'y maging mabuti, Obligasyon sa mamamayan ang laging pinipili.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:35 PM UTC
Mamamayang Pilipino (Tulang Akrostiko)

Written by
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:35 PM UTC
Request permission to use this poem