Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa bawat agiw na nakikita ay aking naaalala ang mabuti nating pagsasama noong tayo'y bata pa Madalas **** sabihin sa akin na ako'y iyong pakamamahalin kahit anong bagyo ang dumating pag-iibiga'y iyong sasagipin Ngunit sa pagdaan ng panahon tila ikaw'y nagbago Ang pagtingin mo sa aki'y naglaho na parang nillimot ang kahapon Puso ko'y nagtaka anong nangyari't pag-ibig ay nawala? Ang dati nating pagmamahalan mauuwi lang ba sa pagkakaibigan? Tinanong sa sarili kung anong dahilan at nawala ang ating pagmamahalan Ako ba'y may pagkakamali? iniwan mo ako't siya ang pinili Hanggang ngayo'y umaasa ang pusong iyong sinugatan na kahit minsan ay maalala kahit bilang isa na lang kaibigan Heto nga at bumalik ka nga sa aking piling ngunit pag-ibig mo'y naging malamig At ngayo'y hinihiling buksan muli ang aking pag-ibig Ngunit sa pagdaan ng panahon di ko pa rin malimot ang kahapon Ang ating mga suyuan sa panahon nang ating kabataan Kahit na ako'y mayroong iba puso ko'y hinahanap ka Naririnig ko ang iyonh tinig at himig parang inaalala ang ating nakaraang pag-ibig Kailanma'y di ka malimot, aking giliw hanggang ngayo'y sa'yo pa rin nababaliw ang pusong kahit iyong sinugatan narito pa rin at umaasang di mo iiwan
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:15 AM UTC
NAGBAGO

Written by
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:15 AM UTC
Request permission to use this poem